The Love Guru
Tanong: May tanong pala ako. maiba naman. Mayroon kase akong kaibigang humihingi ng payo ukol sa kanyang iniirog. Syempre sa akin pa talaga nagtanong, hello lang? Ganito un, me gusto syang nilalang tapos itong nilalang na ito na itago natin sa pangalang Kokey ay parang torpe pero ang malupit nun eh may karibal itong kaibigan ko kay kokey na mejo agresibo. Ano daw ba ang maipapayo ko. Hahaha, jusko.
Sige sugar momma na lang ang code name ng karibal kase sabi ng fwendsheep in distress ko eh matanda na daw ito at 30+ na ang age pero stable na sa work pede ng magpamilya mga ganun ba. Kaya naisip ko din na kaya ito aggressive eh dahil kailangan na nya talaga! Wehehe.
Characters:
Kokey - torpe
Esperanza- fweendsheep in distress
Hot momma - aggressive, 30+
Mga Sagot:
BJ: teka nagdamoves na ba tong fwensheep mo? mga pasimpleng paglalandi? hohoho. kase kahit torpe nmn tong si kokey, dpt may signs na sya na pinakita kung gus2 nya rin tong si fwensheep in distress...kung merong mga pinakitang senyales na "Can this be love kokey's feeling right now," edi go ahead be agresibo and fightfightfight hot momma... pero kung wala nmn, ewan ko na :D
DYOSA: hehehe dahil sa request ni manay, magrereply ako.
sounds family yung scenario kasi parang minsan sa makulay kong buhay ay nakatagpo din ako ng isang Kokey at ng isang Sugar momma... Not necessarily Sugar momma sa age pero sa scenario..
o sige na nga ang Kokey na yun ay walang iba kundi si Datu.
depende kasi yun manay, kung sureness na sha na gusto sha ni Kokey at malakas ang loob nya, pwede naman nya direchahin si Kokey e (parang mga forbidden question sa Magic 99.9 ganun..). ang downside naman kasi nun, baka naman itong si Kokey e may pagkasensitive type na ayaw nang pinangungunahan baka mahurt ang ego.
pakidescribe naman po kung anong level na ba itong pagkagusto ni Kokey kay Esperanze vice versa, kasi mejo naimagine ko naman yung ke Sugar Momma
YAOMING: Ganito lang. kung sa pagmatanda na sya eh magiging wat ifs ng buhay nya si kokey. eh di go go go! Kumendeng na sya ke kokey.
Pakipot approach. hmmm. magkitikitext sya wid kokey, sweet messages and all, tapos, kwentuhan lahat ng kaibigan abt kokey. Magpatukso abt kokey. Pero yung ngiting aso (hindi dugs) pag tinutukso. Tapos, denial ha! Wag kakalimutan. tapos.teka nangangati ako sa pag-code ngayon.
Case kokey's feelings
When gusto ni kokey kay esperanza.
Well and good! Kasalan na!
When ayaw ni kokey pala kay esperanza.
Unti unting bawasan ang tetetetext. Tapos, maghanap na ng ibang gwapo.
When others.
Pagdasal na wag ke sugar mama mapunta si kokey. Sama eh noh?
Endcase!
Lider: Ito ang masasabi ko.. Nakaranas narin ako ng ganyan dati AT ito ang mapapayo ko.
1. torpe kamo si KOKEY at di naman alam ni esperanza na gusto siya nito diba?? Well dahil sa gusto niya si kokey. pakita niya na gusto niya si kokey sa pinakadiscreet way na maiisip niya. tama si abby.. kitikitext niya. pasmile ng konti.. i-miss call sa cel, pumapasok pa ba yan sa school? Tawagan niya tas kunyari mangongopya sya ng notes dahil di nya nakopya sa school... turuan niya sa assignment.... pag kakain makisabay.. kung may problema si kokey make herself available everytime. kung may common friends sila, kunchabahin ni esperanza ang mga friends na ibuild-up sya kay kokey through making kwento na ang bida si esperanza.. Mga ganun ba... wag niya dapat i-let go yung time na meron para ipafeel kahit papano kay kokey na special sya sa kanya. di naman ito pagigign aggressive kasi wala ka naming ginagawang masama.. esperanza is just being "nice" to kokey.. at kung magevolve si kokey at magustuhan sya nito.. edi OK.. pero kung hinde naman maging OK ang resulta at lumayo sa knaya si kokey.. well ok na rin atleast e naranasan nyang gawan ng maganda si kokey at naexperience nya maging "friend" ito kahit papano...
di na uso ang pagpapacute ngayon at pagaantay.. (sowee maweng kawen) hehe... dahil maraming BUWITRE sa paligid at konti nalang ang lalaki sa mundo na papasok sa "standards" ng bawat babae.. (syempre exclude na rito ang dumaraming bading/kangkang-gamol/dugs). E sa nangyari pa ngayon na pasok sa standard ni esperanza at sugar momma si kokey.. e kelangan na makipagsapalaran..
kung iniisip naman ni esperanza na magiging cheap sya sa tingin ng iba.. tingin ko hinde.. magiging "good friend" lang naman sya for kokey..
good relationship starts with good friendship... naks.. hehe
Ate E: maging agresibo din sya
Ate E: send feelers to kokey
Ate E: kase malay mo sya ang gusto ni kokey
Ate E: kaso lang baka madala si kokey sa ka-agresibuhan nung isa
Ate E: pero kung sya talaga ang gusto ni kokey kakalimutan muna nya ang pagiging torpe
Ate E: sabihin mo send feelers but not to the point na sya na nanliligaw
Ate D: anong feelers?
Ate E: paramdam
Ate D: pano?
Ate E: sa tingin
Ate E: nyahahaha
Ate E: kausapin nya
Ate E: magkwentuhan sila ng mga view sa buhay-buhay
Ate E: mga ganun
Ate E: hahahaha
Ate E: syempre
Ate E: that's the most logical thing to do
Ate E: sayang yung chance kung gusto sya ni kokey di ba?
Ate E: ang haba naman ng hair ni kokey
KAWEN:
Yaya: manay kawen
Yaya: are u busy?
Kawen: hi manay! may kt ako ng 3 pm manay
Kawen: y o y
Yaya: ahh
Yaya: wala lang
Yaya: gusto ko lang hinging advice mo dun sa inemail ko
Yaya: sige later na lang kita kukulitin
Yaya: goodluck sa brown bag
Kawen: ahh
Kawen: hahaha
Kawen: muka ba ako reliable?
Kawen: kse ako
Kawen: alam mo naman sa conservative side pa den
Kawen: antay lang kung ano move ni kokey
Kawen: kesa siya gumawa ng move(esperanza)
Yaya: kaya nga gusto ko marinig lahat ng payo nyo
Yaya: kase diverse kayo
Yaya: hahaha
Yaya: kakatuwa
Kawen: kse mas ok pa den na guy gaagwa ng 1st move, kse pano na sa future dapat lalake ang nag dedesisiyon
Kawen: hahaha
Kawen: paste mo na langs a mail manay
Kawen: mag kkt muna ako
Kawen: hohoho
Kawen: additional lang: dun niya masusubukan kung tlgang gusto siya ni kokey o matetempt siya kay sugar momma
Kawen: kung kunwari sila na mas ok na paglaban niya, kaya lang hindi pa sila eh.. eheh.. la lang opinyon lang
Kawen: the best eh mag pray
Kawen: :-)
Tanong: eto may second love scenario ako...
Karakter (maaaring base sa tunay na buhay ng piksyon):
girlalu na hindi nmn madalas ma-attract
boy1
boy kabit
conflict:
naaattract tong si girlalu kay boy kabit ngunit happily attached na itong si girlalu kay boy1. ngunit itong si boy kabit alam na attached na sya ngunit isinambit na "pagisipan mo girlalu, iwanan mo na si boy1." natulala si girlalu at nagulat sa sarili na sya ay kinikilig.
ang tanong ay bakit ang puso tatsulok pala? ano ang limitasyon ng paglalandi? HOHOHO!
Yaya: Bj, ke boy1 sigurado si girlalu. Kay boykabit di sya sigurado. Kase what if maging sila girlalu nga at boykabit, may guarantee ba na di nya din ito lolokohin? At malay nya weakness lang talaga ni boykabit ang maghanap ng may sabit?
Kung mahal ni boykabit si girlalu, di nya ito sasabihan na iwanan si boy1. Sa tingin ko, di sya magdedemand ng ganun o di nya un dedemonyohin ng iwan mo na yan. Kase isipin mo na lang kunwari may kaibigan ka na bang nagsabi sayong iwan mo ang bestfriend mo at sya na lang ang gawin mong bestfriend? Ibang sitwasyon at ibang relasyon pero pinilit kong ikonek. Whehehe.
Lider: Ang masasabi ko nga lang dyan jazz. kalimutan na ni girlaloo si boy kabit.. ang mga ganyang gumugulo sa buhay ng may karelasyon na ay dpat nilalayo na sa isipan at di na ineentertain pa... maghanap nalang si boy kabit ng babaeng walang sabit para ang kanilang pinaplanong pagmamahalan ni new girl ay walang puslit.. anoha ryhme ako! Hahaha
DYOSA: comment ko naman jan maweng jazz, pwedeng yung kilig kasi e isa hanggang 3 liguan tapos wala na... :) so pwedeng kikay attack lang yun, wala nang mas malalim pa... :)
ok lang naman makipagflirt basta wag ka lang magpapahuli, ginagawa din naman ng mga boys yan. :) sa paglubog naman ng araw ay alam nyo naman na iniisip nyo rin ang isa't isa at ang the others ay pang ilang minutong kilig lang...