Ang Aking Talaarawan

Ang pahinang itong inyong tinitignan o binabasa ay isang walang kakwenta-kwentang paglalahad sa buhay buhay ng isang nilalang sa Planetang Dynpro. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Thursday, January 12, 2006

Kulangot

Ang ilalahad na istorya ay batay sa tunay na pangyayari.
Babala: Huwag gayahin!

Isang kahindik-hindik na pangyayari ang naganap sa isang magandang babae kagabi sa ganap na 11:30. Napag-alaman na ang babaeng ito ay galing sa gateway dahil nanonood ng Narnia kasama ang kanyang mga kaibigang maldita. Habang naglalakad ang babae pauwi sa apartment na kanyang tinutuluyan ay may nakita syang lalaking nangungulangot....Akala nya ay wala lang kaya't sya ay patuloy sa kanyang paglalakad...Mayamaya ay lumapit sa kanya ang lalaki at akmang ipapahid sa kanya ang kamay na ginamit sa kanyang pangungulangot...henghenghengheng(sound effects po yun sa mga crime scenes...demo ko na lang mag nagkita tayo..hehehe...)....umiwas ang babae at buti na lang sya ay nakajacket at hindi naipahid kanya mismo ang kulangot...sa kaba ay tumakbo ang babae pauwi at pinagmumura ang lalaking adik yata...sa sobrang inis ay nagulat ang kanyang mga hausmates dahil pabagsak nyang isinara ang kanyang pinto...at ikinuwento ang mga nangyari sa kanyang hausmates....

narito po ang ating panayam sa biktima:

Reporter : Musta na po kayo?
Biktima: Hindi okay. $#@$&^#! putakti! kinabahan ako at nandiri sa nangyari...Kung alam ko lang na ganon ang gagawin nya, sana ay nangulangot din ako para makaganti at ipinahid ko din sa kanya. Iyon ang ikinakasama ng aking loob, hindi ko sya napahiran ng kulangot...hindi ako nakaganti!!!! Letseng lalaking yun!!!
R: Ano na po ang inyong ginawa pagkatapos?
B: Pagkadating ko sa bahay ay hinubad ko agad ang aking jacket at ito ay ibinabad ko. Naligo na din ako ng alcohol. Pumunta sa isang tabi, nagdasal ng ritual para kulamin ang masamang lalaking yun...May natutuhan ako sa nangyari...Kelangan maging handa...kung may nakita kang nangungulangot ay mangulangot ka din para kung sakaling ipahid sa iyo yun may ipapahid ka din sa kanya...
R: Maraming salamat po magandang binibini.

At iyan po ang buong pangyayari hinggil sa kahindik-hindik na krimeng naganap. Eto po si JUliu Babay, nag-uulat....

1 Comments:

Blogger jazzthoughts said...

bagong post naman john! wala na akong mabasa..kabisado ko na mga istorya dito e...like heller~~~~~

12:44 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home