Ang Aking Talaarawan

Ang pahinang itong inyong tinitignan o binabasa ay isang walang kakwenta-kwentang paglalahad sa buhay buhay ng isang nilalang sa Planetang Dynpro. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Wednesday, November 09, 2005

Ang Pagtatagpo

Sinundan kita nang ika’y lumabas. Pansamantalang tumigil ang mundo ko nang ako’y iyong tinignan. Pinagbuksan mo ako ng pinto. Hindi mo ito binitawan hangga't hindi ako nakakalalabas. Pilit kong hinaplos ang bahagi ng pintong hinawakan mo. Kailan ko mararamdaman ang paghaplos ng iyong kamay sa akin? Kailan mo kaya hahawakan ang aking kamay?

Una kang pumasok sa elebeytor. Sumunod ako. Ito na marahil ang pinakamahabang dalawang minuto ng aking buhay. Pilit kong pinigilan ang aking sariling pagmasdan ang iyong magandang mukha. Kailan ko makakayanang matitigan ka nang walang nagbabawal? Kailan mo kaya ako pagmamasdan at mapapansin?

Pinauna mo akong lumabas. Naglakad ako papalayo saiyo. Maliliit na hakbang ang ginawa ko para magkasabay tayo. Kailan kaya tayo magkaksabay maglakad? Kailan mo naman kaya ako hahabulin?

Sumakay ka ng FX. Sinundan kita. Dinukot mo ang celphone mo sa bag at tinawagan ang gerlpren mo. Masaya kang kausap ito at narinig ko pang kayo ay kakain. Tuwang tuwa ang tinig sa kabilang linya nang sabihin nyang sya pa ang manlilibre. Kailan kaya tayo magkaksabay kumain? Kailan mo kaya ako maililibre?

Hanggang kalian magiging ganito ang ating pagtatagpo? Hanggang kailan ako mangangarap at mananaginip? Hanggang kailan ako magdadasal na sana kahit isang segundo ay alam mong buhay ako. Hanggang kailan ako magiging anino lamang?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home