Ang Aking Talaarawan

Ang pahinang itong inyong tinitignan o binabasa ay isang walang kakwenta-kwentang paglalahad sa buhay buhay ng isang nilalang sa Planetang Dynpro. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Wednesday, October 19, 2005

12:30 am

Yesterday was fun! I saw 3 of my highschool friends. Kahit na pinaghintay ko ang 2 Makati working girls ng 2 o 4 na oras ata. Sorry talaga. Kaya naman pinagbayad nila ako ng fare sa cab. Pinuntahan namin si Feyt na 7 months pregnant. And I was sooo happy to see them (Feyt and Badong) kase naman gumaganda sya, nakita ko sya na masaya, naramdaman ko (at nakita for that matter) ang pag-sipa ni Badong! Yes, Badong ang itatawag ko sa aking godson. Ako nga pala ang second Brutus to know na lalake ang baby nila Feyt at Resty. Samakatuwid, ako ang kanyang 2nd fairy godmother nya.

Nakadating kame sa bahay nila Feyt ng quarter to 10 ata un. Pinakain kame ng buko pandan, oishing maanghang, tinapay na may keso at coke. E kahit naman ano ang ibigay samin, susunggaban namin e. Sikmurang construction worker ata ito. NApag-usapan namin ang aming mga kalokohan noong kame ay nasa mataas na paaralan pa lamang. Namiss ko tuloy ang Don Bosco! Hay... Naalala namin ang pagpipigil ng utot ni Analyn habang kaharap si Sr. Joyce, ang Axis ng Brutus, ang paglalakad mula school hanggang Kalentong, ang pagpopose habang pagtawid nila Shelah at Feyt, ang ulam ni Feyt sa loob ng isang taon: tapa at patatas na may konting corned beef at kung anu-ano pa. Nakita ko ang aking kabataan (Naks! Parang ang tanda no?) sa magandang ngiti, tawa at halakhak ng aking mga kaibigan. Naisip ko tuloy na sana ay bata na lang ako ulit at walang inaalalang planned end date, PFF, sweldo, programa at kung anu-ano pang mga sanhi ng pagsulpot ng aking mga pimplets, wrinklets, veins at split-ends.

Habang kame pala kame ay nagkukwentuhan ng aking mga kaibigan, napagkaisahan namin na kame ay mag-M.A. Si Jacklyn kase ay nakaka-15 units na ng Literature sa Losol. Si Shelah ay mag-aapply pa lamang at sasabay ako sa kanya. Sa December siguro kame mag-aaply pagkakuha ng 13th month para may pang bayad ng tuition. Iniisip ni Shelah na magLit din o Int'l Studies. Ako, naisip ko na: International Studies. Dati kase naisip ko kung mag-crash course ba ako sa programming o kaya naman ay IT related. Ngunit masasabi ko na eto talaga ang gusto ko: ang makapagtrabaho sa ADB. Shiyet... At maging Diplomat! Wolongyo~ Di ako makapaniwala na pinaplano ko na ang buhay ko! Wahhh... At mag-aapply pala ako ng kahit na anong percent na scholarship. Para naman may matira sa pera ko. Ngunit bakit Losol? Pwede naman UP para libre. Naisip namin kase na sa Losol pinakamabilis. Period. Kung ano man yun ay bahala na kayo mag-isip.

Umuwi kame ng 12:30 ng madaling araw akalain nyo un. Bingo na ko sa aking itay. Monday 11:00 pm, Tuesday 10:20 pm, at Wednesday 12:30 am. Nihindi ko na nga nakikita ang aking tatay at kapatid dahil maaga silang umuuwi at umaga na ko nakakauwi! Anlabo. Ngayon naman ay malamang umuwi na naman ako ng nakakandado ang gate dahil ako ay may lakad na naman. At bukas ay ang inaantabayan na teambuilding! Kamusta naman ang night life at eyesacks!

Sana naman buong araw ako makatulog sa Sabado. Sa Linggo naman ay dadalo ako ng binyag ng aking unang unang inaanak. Si Louise Fiel, anak ni Bhambhie! Yipee! Naiimagine ko na si Fiel at si Badong kapit kapit kame ng kamay papuntang Carnival! Yahoo! Hay... Sana bata na lang ulit ako. =(

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home