Ang Aking Talaarawan

Ang pahinang itong inyong tinitignan o binabasa ay isang walang kakwenta-kwentang paglalahad sa buhay buhay ng isang nilalang sa Planetang Dynpro. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Sunday, September 09, 2007

Foot Long

Lagi akong late sa ofis. Kahit 7:30A o 10:00A pa ang shift ko. Ito ung isa sa mga bad habits ko na di ko maalis alis. Kainis, May log sheet pa naman kame sa team na ako pa mismo ang nagpasimuno. I am a bad role model.. tsk. tsk. Sabi nila pag daw malapit ang ofis o eskwelahan sa bahay ang tendency ng tao e magpalate talaga dahil malapit lang naman. Ganito na ako ng highschool. Ganito pa din ba ako hanggang ngayon?
Kaya isang araw patakbo takbo na ako nang tinawag ko ang isang jeep. Kainis ulet! Kase ung pinara kong jeep eh ung jeep na iniiwasan ko dahil: una, ung anak ng drayber na babae na kasama sa biyahe ay parang aadik adik at super stenchy. Pangalawa, ang apo nya na ang teyorya ko ay anak ng aadik adik nyang anak ay über kulit (Nung babaha baha sa munisipyo - take note: ambon - baha, ulan - dagat, bagyo - karagatan. To think na sa munisipyo pa ito, ang sentro ng kapangyarihan sa isang lungsod. Anyway, ang batang ito na nagswimming ata sa baha ay kumakandong kandong pa sa mga pasahero. Ginugulong gulong pa nya ang pera nyang isinawsaw nya sa maputik, mabaho at maipis na tubig sa muka ng pasaherong inaasar asar nya). Pero laking gulat ko dahil sobrang behaved sya at nasa unahan sya sa tabi ng kanyang lolo at lola (oha! tama ang aking educated guess). Nagtaka talaga ako kase tahimik sya at di sya nakikihalubilo sa mga pasahero. Habang iniisip ko ang dahilan, bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw na parang nanggaling sa isang taong walang ngipin. Sa nanay nya. Nagwawala wala ito at humahagulgol. Kinakaway kaway ang kamay. Pilit na gustong tumalon sa jeep. Nakita ko ang mga pasahero na nagtatakip na ng ilong at bumubulong bulong pa. Kahit na ilang beses ko na itong nakakasama sa biyahe e, ngayon ko lang nakita ang pagtatantrums nya. SAbi nya gusto na nyang bumaba. Tinitignan ko ang tatay nya. Parang walang naririnig. Ang mga pasahero naman na matatanda ay kumakatok na at sinasabihan ang drayber na may baba. Siguro dahil hindi nila alam na related ang dalawa. Siguro narindi na din ang tatay nya na pinababa sya sa Rustan's express. PEro di naman bumaba. May hinihingi sya. Sabi nya gusto nya ng footlong. Nag abot ang tatay ng 120Pesos at pinababa na sya. Pero nagalit sya sabi nya di daw kasya ang bente pesos (Siguro di nya nakita ang 100 na kasama). Nakukuliling na siguro ang tatay nya at binawe ang pera. Sabi bumaba na lang daw ito sa jeep dahil di nya alam kung ano na ang gagawin nya dito. Di nya alam kung san sya lulugar. Lalung syang naghimutok at naglupasay na sa lapag. Nagpupumilit bumaba. Siguro malapit na un sa tunnel nang iniabot ng drayber ang 140 Pesos ulit at sabay sabing ang footlong 40 Pesos lang. Hindi isang libo. Kinuha nya ang pera galing sa kanyang tatay at mahigpit na hinawakan. At bigla syang nakatulog. Siguro nagpapapansin lang sya. Nang malapit na ako sa ofis dali dali akong bumaba. Natakot pa ako kase baka biglang magising at masipa ako.
Nang pababa na ako sa escalator. Naisip ko, ang hirap ng buhay ng mamang drayber na iyon. Sa dami ng sinusuportahan nya, ung anak nya isa pa sa mga naging pasan nya... Kahit na ayoko ng sumakay ulit sa jeep nya, naisip ko na sa pagsakay kong iyon, sa pagbayad ko ng pamasahe ay natutulungan ko sya sa kanyang hanapbuhay.
Hindi man ako ang pinakaswerteng tao sa balat ng lupa o pinakamapalad sa sa ofis o kahit sa klase o kahit sa mga pasahero kanina sa jeep na iyon, hindi din naman ako ang pinakamalas. Mayroon pa rin akong dapat ipagpasalamat sa araw araw.



Nang hapon na iyon naisip kong bumili ng footlong.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home