Ang Aking Talaarawan

Ang pahinang itong inyong tinitignan o binabasa ay isang walang kakwenta-kwentang paglalahad sa buhay buhay ng isang nilalang sa Planetang Dynpro. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Friday, October 21, 2005

Cable Car

We went to Cable Car at 9:00 pm for the much awaited team building of our glamorous project. We were I can say, fashionably late. Some project mate even called up to ask if we were attending. They couldn't start, I guess without us.. ehem...
When we arrived, I immediately without hesitation went to get food. I was really really hungry. I wasn't even speaking to any of my kasabay sa car (sosyal!?) I was btw with my master, mayor vi, my ket (it was his car which was alarmingly very very clean...hmmm...) and my pseudo team mate - the singer. As my master would say, 'I have never been this hungry in my entire life.' I tried the baked mussels, fish fingers, chicken wings, bbq, sisig rice which was really good and brownies for dessert. I was about to have my last spoonful of sisig rice when the emcees announced that we were going to start the 1st and last game. They said that initially there were three games but due to lack of resources, we would only have one - beer drinking. I was so surprised when they called the 1st contestant. It was pretty li'l me. I don't want to be a 'kj' so I got up, went 'onstage' while chewing the rubber like bbq. They first called in the girls who would be the contenders (i like the sound of that word!). The girls would have to pick 4 other guy contestants. My team mates were mayor vi, two from basis, edongers, and Carlo. At first, I couldn't understand the mechanics of the game because it was noisy, the crowd was getting excited and I was still hungry. One by one the contestants should finish the beer of their choice 'on stage' kung hindi naman babalik ang nasabing contestant sa pila at ang susunod ang pupunta sa harap upang ubusin ang beer. Kailangan maubos ang beer kung hindi pa ubos, babalik ulit nang babalik sa harapan hanggang maubos ang beer. (Wolongyo, naubusan ako ng ingles dun a...anoha?) My cousin who was the organizer told us that we can choose any beer we wanted to drink. Mine was San Mig Super Dry kase gamay na ako dito. I even asked my cousin kung anong prizes para naman ma-motivate ako. We were the second group to finish. Strong teeth's team won. Kaso may daya! Hmf.. Tswe
After the game, was the announcement of the month's super stars. I was soo happy for markmark because he was nominated and was awarded an aksenchur umbrella. My master was also nominated and given a green water jug.
After that, we took wacky pictures of ourselves and palyed billiards. Me and master won. I was able to shoot 3 balls. This was the best part of the night...

Wednesday, October 19, 2005

12:30 am

Yesterday was fun! I saw 3 of my highschool friends. Kahit na pinaghintay ko ang 2 Makati working girls ng 2 o 4 na oras ata. Sorry talaga. Kaya naman pinagbayad nila ako ng fare sa cab. Pinuntahan namin si Feyt na 7 months pregnant. And I was sooo happy to see them (Feyt and Badong) kase naman gumaganda sya, nakita ko sya na masaya, naramdaman ko (at nakita for that matter) ang pag-sipa ni Badong! Yes, Badong ang itatawag ko sa aking godson. Ako nga pala ang second Brutus to know na lalake ang baby nila Feyt at Resty. Samakatuwid, ako ang kanyang 2nd fairy godmother nya.

Nakadating kame sa bahay nila Feyt ng quarter to 10 ata un. Pinakain kame ng buko pandan, oishing maanghang, tinapay na may keso at coke. E kahit naman ano ang ibigay samin, susunggaban namin e. Sikmurang construction worker ata ito. NApag-usapan namin ang aming mga kalokohan noong kame ay nasa mataas na paaralan pa lamang. Namiss ko tuloy ang Don Bosco! Hay... Naalala namin ang pagpipigil ng utot ni Analyn habang kaharap si Sr. Joyce, ang Axis ng Brutus, ang paglalakad mula school hanggang Kalentong, ang pagpopose habang pagtawid nila Shelah at Feyt, ang ulam ni Feyt sa loob ng isang taon: tapa at patatas na may konting corned beef at kung anu-ano pa. Nakita ko ang aking kabataan (Naks! Parang ang tanda no?) sa magandang ngiti, tawa at halakhak ng aking mga kaibigan. Naisip ko tuloy na sana ay bata na lang ako ulit at walang inaalalang planned end date, PFF, sweldo, programa at kung anu-ano pang mga sanhi ng pagsulpot ng aking mga pimplets, wrinklets, veins at split-ends.

Habang kame pala kame ay nagkukwentuhan ng aking mga kaibigan, napagkaisahan namin na kame ay mag-M.A. Si Jacklyn kase ay nakaka-15 units na ng Literature sa Losol. Si Shelah ay mag-aapply pa lamang at sasabay ako sa kanya. Sa December siguro kame mag-aaply pagkakuha ng 13th month para may pang bayad ng tuition. Iniisip ni Shelah na magLit din o Int'l Studies. Ako, naisip ko na: International Studies. Dati kase naisip ko kung mag-crash course ba ako sa programming o kaya naman ay IT related. Ngunit masasabi ko na eto talaga ang gusto ko: ang makapagtrabaho sa ADB. Shiyet... At maging Diplomat! Wolongyo~ Di ako makapaniwala na pinaplano ko na ang buhay ko! Wahhh... At mag-aapply pala ako ng kahit na anong percent na scholarship. Para naman may matira sa pera ko. Ngunit bakit Losol? Pwede naman UP para libre. Naisip namin kase na sa Losol pinakamabilis. Period. Kung ano man yun ay bahala na kayo mag-isip.

Umuwi kame ng 12:30 ng madaling araw akalain nyo un. Bingo na ko sa aking itay. Monday 11:00 pm, Tuesday 10:20 pm, at Wednesday 12:30 am. Nihindi ko na nga nakikita ang aking tatay at kapatid dahil maaga silang umuuwi at umaga na ko nakakauwi! Anlabo. Ngayon naman ay malamang umuwi na naman ako ng nakakandado ang gate dahil ako ay may lakad na naman. At bukas ay ang inaantabayan na teambuilding! Kamusta naman ang night life at eyesacks!

Sana naman buong araw ako makatulog sa Sabado. Sa Linggo naman ay dadalo ako ng binyag ng aking unang unang inaanak. Si Louise Fiel, anak ni Bhambhie! Yipee! Naiimagine ko na si Fiel at si Badong kapit kapit kame ng kamay papuntang Carnival! Yahoo! Hay... Sana bata na lang ulit ako. =(

Wednesday, October 05, 2005

Wololong...

Gusto ko lamang i-share ang mga walang kakwenta kwentang pinag-uusapan namin ng aking batsmeyt sa IM...Kinakailangan na protektahan ang kliyente kung kaya't papalitan ko ang ibang mga salita! :) Yun ay kung mapapalitan ko...

mark: familiar ka sa XXXX
ako: bakit?
mark: may tiket ako na may nabanggit na XXXX website, di ko alam kung ano un?
ako: di ko din alam XXXX na website e
mark: ngek, kala ko alam mo..
ako: alam ko XXXX.. pero di ko lam website
mark: ano ung XXXX?
ako: at hindi ako expert
mark: para sa payment ata yan e
mark: eto ung tanong ng user: If I am looking for XXXXXX which failed in transmission to the XXXX web site, what information do I need to focus on?
ako: hehehe..
ako: di ko GET
ako: sorry
ako: im just an alipin saguiguilid
mark: ok sige..
ako: ikaw alam mo?
mark: hindi nga e..
ako: aok,, kala ko kc alam mo e, papaexplain ko sana sayo

Eto pa...
At mukang galit na sya...

mark: dianne, may access ka sa XXXX website?
ako: wala
ako: heheh
mark: oki..
ako: anong website?
mark: XXXX
ako: ano ngang site?
mark: XXXX website nga..
mark: di ko alam kung ano dun.
ako: ikaw ba may access?
mark: wala nga, kaya nga nagtatanong ako, XXX (team namin) lang daw ang may access dun..

Last na...
Ubos na ang pasensya...
Bago nya ko pinuntahan sa cub ko para batukan ;)

mark: naka-handle ka na ng idoc?
ako: tingin lang

At jan po nagtatapos ang kwento!
Mabuhay ang Pilipinas!